Ang Office of the Public Advocate (OPA) ay isang independiyenteng lupon ng batas na nagpoprotekta at nagtataguyod ng mga karapatan at interes ng mga taong may kapansanan sa Victoria.
Ang mga kawani ng OPA at mahigit na 900 boluntaryo, sa pamumuno ng Tagapagtaguyod ng Publiko (Public Advocate), ay nagtatrabaho upang tanggalin ang pang-aabuso, kapabayaan at pagsasamantala sa mga taong may kapansanan o sakit sa pag-iisip.
Ang OPA ay tumutulong sa mga taong may kapansanan o sakit sa pag-iisip, kanilang mga pamilya, tagapag-alaga at mga taga-suporta, sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo, edukasyon, impormasyon, pananaliksik, pangangalaga at pagtataguyod.
Serbisyo sa Pagpapayo ng OPA
Para sa serbisyo sa pagpapayo ng OPA, tumawag sa 1300 309 337.
Kung kailangan mo ng interpreter, pindutin ang 1 para sa reception.
Sabihin sa reception:
- na kailangan mo ng interpreter
- ang iyong pangalan
- ang numero ng iyong telepono
- ang iyong wika.
Tatawagan ka ulit ng isang kawani mula sa Serbisyo sa Pagpapayo ng OPA na may kasamang interpreter.
Mga sesyon ng impormasyon
Upang malaman ang tungkol sa mga sesyon ng impormasyon ng OPA, mag-email sa OPA Education and Engagement Officer sa [email protected]